ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

14 na bayan sa Palawan, isinailalim sa state of calamity


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi bababa sa 14 na mga bayan sa Palawan ang isinailalim sa state of calamity noong Sabado dahil sa pinsalang dulot ni super Typhoon Yolanda, na tumama sa gitnang Pilipinas noong nakaraang linggo.

Unanimous ang boto ng konseho upang isailalim ang mga bayan sa state of calamity, ayon sa ulat ng Philippines News Agency nitong Sabado.

Ang 14 na mga bayan ay: 


* Agutaya
* Araceli
* Busuanga
* Cagayancillo
* Coron
* Culion
* Cuyo
* Dumaran
* El Nido
* Linapacan
* Magsaysay
* Roxas
* San Vicente
* Taytay

Ayon kay Provincial Board Member Leoncio Ola, dahil sa deklarasyon, maaari nang gamitin ni Palawan Gov. Jose Alvarez ang calamity fund ng probinsiya.

Ayon pa kay Ola, naapektuhan ni Yolanda ang 20,308 na pamilya sa mga apektadong bayan.

Iniulat din ng PNA na patuloy ang pagdagsa ng mga dayuhang turista at mga balikbayan upang magbigay ng mga relief goods sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Isa sa mga turista ay nagpakilalang si Jessica Stuckstaette, na nagbigay ng 10 kahon ng easy-to-open na mga delata. — JGV /LBG, GMA News