ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
3 menor de edad na estudyante, patay matapos bumaliktad ang sinasakyang jeepney
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng tatlong kabataang mag-aaral matapos masawi ang mga ito nang bumaliktad ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa Davao City nitong Lunes.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabing may 20 pang pasahero ng jeepney ang nasaktan.
Hinala ng mga magulang ng mga biktima, posibleng nasa ibabaw ng jeepney ang kanilang mga anak kaya napuruhan ang mga ito.
Pero itinanggi ito ng drayber ng jeepney. Aniya, nawalan ng preso ang sasakyan kaya sila nagdisgrasya.
Nakakulong ngayon ang drayber na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple injury. -- FRJ, GMA News
Tags: davaoaccident, accident
More Videos
Most Popular