ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ginang na nakagat ng pusang gala, patay sa rabies
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi dapat balewalain ang kagat ng pusa lalo na kung ito'y gala. Sa Banga, South Cotabato, isang babae na nakagat umano ng pusang kalye tatlong buwan na ang nakalilipas ang pumanaw nitong Martes.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Miyerkules, sinabi ng mister ng biktima na bigla na lamang nagwala ang kaniyang asawa at naglaway.
Naisugod pa ang babae sa ospital pero binawian din ito ng buhay.
Ayon sa duktor na sumuri sa biktima, rabies ang ikinamatay ng ginang.
Sinabi ng mister ng biktima na tatlong buwan na ang nakararaan nang makagat ng pusang kalye ang kaniyang asawa. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular