ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Diskwento Caravan, hindi ginagamit ng gobyerno upang pagkakitaan — DTI chief


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinabulaanan ni Secretary Gregorio Domingo noong Miyerkules ang paratang na ginagamit ang "Diskwento Caravan" ng Department of Trade and Industry upang pagkakitaan ng gobyerno ang mga biktima ng bagyo sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto sa halip na ipamahagi ang mga ito na libre.

"[The Diskwento Caravan] is a public service conducted by DTI in partnership with big manufacturer and/or distributors. It is also an act of public service by the manufacturers and distributors as most of them do not make money on their Diskwento Caravan Activities," ani Domingo sa isang pahayag.

Ayon kay Domingo, ipinadadala ang Diskwento Caravans sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda upang mabigyan ng pagkakataon ang mga apektadong residente na makabili ng mga nais nilang mga produkto sa murang presyo. Dagdag niya, ilang taon nang nagbebenta ang DTI ng mga bawas-presyong produkto sa pamamagitan ng mobile store bilang serbisyo publiko.

Nakatanggap ng pambabatikos ang DTI mula sa mga netizen matapos maiulat sa citizen journalism website ng CNN na "iReport" ang umano'y pagbebenta nito sa mga nakaligtas sa bagyo sa Tacloban City.

Nauna nang inihayag ng Malacañang na bago pa man tumama ang bagyong Yolanda sa ilang bahagi ng bansa, umiikot na ang Diskwento Caravan sa mga pangunahing lungsod at bayan upang magbenta ng mga murang kagamitan.

Ayon kay Domingo, nakabili ang mga biktima ng bagyo ng mga murang "non-relief items" na hindi mabibili sa ibang mga tindahan.

 “[The Diskwento Caravan] is a public service conducted by DTI in partnership with big manufacturer and/or distributors.  It is also an act of public service by the manufacturers and distributors as most of them do not make money on their Diskwento Caravan Activities,” aniya.

Ayon sa opisyal, nitong Lunes, mahigit 7,000 katao na ang nakabili ng "basic goods at a discount" mula sa Diskwento Caravan na itinayo ng DTI sa mga lungsod ng Catbalogan at Calbayog sa Samar noong nakaraang linggo.

Inanunsyo ni DTI OIC Regional Director Stanley Tabiando na hindi na magiging isang-araw na kaganapan ang Diskwento Caravan, ngunit magbubukas pa rin sila hanggang manumbalik na sa normal ang mga negosyo sa Tacloban.

Ang caravan, na bukas mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon, ay nagbebenta ng tinapay at mga coinstruction materials para sa mga biktima ng bagyo, maliban sa mga pangunahing pangangailangan at mga produkto. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News