ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Akusado sa kasong rape, pinutol ang sariling pagkalalaki


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinutol ng isang lalaki ang sarili niyang ari upang patunayan na hindi umano totoo ang ibinibintang sa kaniyang kaso ng panggagahasa sa dalagitang kamag-anak sa Irosin, Sorsogon.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Huwebes, sinabing pinutol ng 52-anyos na si Gerry Rodriguez, ang kaniyang pagkalalaki habang nakapiit dahil sa kasong panggagahasa sa dalagitang apo, na anak ng kaniyang pinsan.



Kabilang umano si Rodriguez sa listahan ng "most wanted" sa bayan ng Irosin dahil may dalawa pa siyang kinakaharap na kaso ng panggagahasa sa dalawang minor de edad.

Napag-alaman naman na ililipat siya sa ibang ospital para isailalim sa operasyon dahil sa ginawang pagputol sa kaniyang ari. -- FRJ, GMA News