ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Fishing ban sa isdang tamban o sardinas, ipatutupad sa Zamboanga City simula sa Linggo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Simula sa Linggo, Disyembre 1, bawal munang hulihin sa karagatan ng Zamboanga ang mga isdang tamban o sardinas. Tatagal ang naturang fishing ban hanggang sa Pebrero 28, 2014.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Biyernes, ang fishing ban ay ipinag-utos ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa naturang panahon ng fishing ban umano nangingitlog ang nasabing isda kaya dapat muna silang hayaan na makapagparami.
Tiniyak naman mga kompanya na gumagawa ng sardinas na may sapat pa silang suplay at may maibebenta pa sila sa merkado habang umiiral ang ban. -- FRJ, GMA news
Tags: fisherman, fishingboat
More Videos
Most Popular