ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagbusisi sa Malampaya fund scam itutulak sa Senado


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Natakdang isalang sa Senate blue ribbon committee ang pagdinig sa umano'y maanomalyang paggamit ng P900 milyong Malampaya fund.

Ito’y matapos ang matagumpay na pagdinig sa "pork barrel scam" na kinasasangkutan ng sinasabing utak nito na si Janet Lim Napoles.

Ayon kay Sen. Teofisto Guingona, chairman ng komite, kukunsultahin muna niya ang kapwa niya mga senador kung tuluyang isasara ang pagdinig sa pork barrel scam.

Napiga ng komite ang mga impormasyon sa pamamagitan ng whistleblowers kung paano naisakatuparan ni Napoles ang umano'y pag-abuso sa PDAF, kasabwat umano ang ilang mga mambabatas at mga taff members ng mga ito, at ang ilang sa kanila ay nakasuhan na ng plunder sa Ombudsman.

Gaya ng pork barrel ng mga senador, ang Malampaya fund scam ay idinaan din sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Napoles.

Ang nasabing pondo ay dapat na nakalaan sa mga biktima ng bagyong Pepeng at Ondoy noong 2009.

 “Lahat ng goals natin, layunin natin, nakamit na ng blue ribbon committee. Mukhang kumpleto na picture ko,” ayon kay Sen. Teofisto Guigona, chairman ng komite.

“Napoles is also involved in Malampaya,” giit pa ng senador. Ang "royalties" mula sa Malampaya ay dapat na gamitin lamang sa energy at energy-related matters. — Linda Bohol /LBG, GMA News