ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sunog, muling sumiklab sa Cebu; apoy, hinihinalang nagmula sa pinaglaruang pospuro


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang sunog na tumupok sa may 300 bahay sa lungsod ng Cebu, isa na namang sunog ang naganap sa lalawigan nitong madaling-araw ng Biyernes na hinihinalang nagsimula sa paglalaro ng bata sa pospuro.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Biyernes, sinabing mahigit 20 bahay na gawa sa light materials ang mabilis na kinain ng apoy sa Mandaue City.



Lumitaw sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad na sinasabing nagmula ang sunog sa isang bahay kung saan may nakitang batang naglalaro umano ng posporo.

Ayon sa Mandaue City Fire Station, ika-apat na sunog na ito sa lungsod ngayong Disyembre.

Noong nakaraang Miyerkules lang, idineklara ang state of calamity sa apat na barangay sa Cebu City na naapektuhan ng magkakasunod na sunog sa lungsod na tumupok sa may 300 kabahayan at nakaapekto sa may 500 pamilya. -- FRJ, GMA News

Tags: fire, cebufire