ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Punong-barangay na galing sa birthday party, tinambangan sa Ilocos Norte, patay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patay ang isang punong-barangay at sugatan naman ang kaniyang misis sa Banna, Ilocos Norte matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga nakatakas na suspek.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Miyerkules, sinabi umano ng isang kagawad ng barangay Kwatro na galing sa birthday party at pauwi na ang mag-asawa nang pagbabarilin sila ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo.
Kaagad na nasawi ang kapitan ng barangay dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo. Nasugatan naman sa kamay ang kaniyang maybahay.
Hinihinala na may kaugnayan umano sa pulitika ang naganap na krimen. -- FRJ, GMA News
Tags: ilocoscrime
More Videos
Most Popular