ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagbaril ng isang rider sa tricycle driver, nakunan ng video sa Bulacan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakunan ng video ang ginawang pamamaril ng isang rider sa Meycauayan, Bulacan na nagresulta sa pagkamatay ng isang tricycle driver at isa pang lalaking nadamay sa insidente.
 
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Miyerkules, ipinakita ang kuha sa CCTV habang sinusundan ng isang rider ang isang tricycle. Nang tumigil ang tricycle, tinapatan ito ng rider na naka-helmet at bumunot ng baril at saka pinaputukan ang biktima.
 
Bukod sa target na driver ng tricycle, isa pang lalaki ang tinamaan ng bala at nasawi rin.

 
Nagawa pang makatakbo ng biktima pero sinundan pa rin siya ng suspek, na tumakas nang makitang bumagsak na ang biktima.
 
Hinihinala ng pulisya na may kinalaman sa krimen ang kinasangkutang away sa trapiko ng biktima tatlong linggo na ang nakalilipas.
 
Handa naman ang kaanak ng biktima at maging ang pulisya na magbigay ng pabuya para mahuli ang suspek. Ang mga may impormasyon sa ikalulutas ng kaso ay maaaring tumawag sa Meycauayan Police sa cell phone number 0908-1325748. -- FRJ, GMA News