ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
KTV bar sa Cebu, pinagbabaril; kumakanta, patay, 2 pa, sugatan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isa ang patay at dalawa ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa isang videoke bar sa Consolacion, Cebu.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo ang namaril sa direksiyon ng KTV bar.
Tinamaan sa dibdib at nasawi ang 24-anyos na si Chris Almaden, na kumakanta nang maganap ang pamamaril. Sa balikat at likod naman ang tama ng dalawang nasugatan.
Hinala ng mga kaanak ng nasawi, posibleng nadamay lang at hindi si Almaden ang target ng mga tumakas na suspek.
Ganito rin ang paniwala ng pulisya matapos lumitaw sa kanilang imbestigasyon na ang dalawang nasugatan ay miyembro ng isang fraternity na nasangkot sa gang war sa lugar. -- FRJ, GMA News
Tags: shootingincident, cebucrime
More Videos
Most Popular