ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batang naglalakad umano sa gilid ng kalsada, patay matapos mahagip ng trak sa CamSur


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang anim na taong gulang na lalaki sa Baao, Camarines Sur matapos mahagip ng trak habang naglalakad sa gilid ng kalsada kasama ang kaniyang ina.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Huwebes, sinabi ng biktima ng bata na naglalakad sila ng kaniyang  anak sa gilid ng kalsada nang mangyari ang aksidente.



Sinabi ng ina na hindi umano bumusina ang trak na nakasalubong nila sa kalsada.

Dahil sa matinding pinsala na tinamo sa ulo, kaagad na nasawi ang bata.

Lumitaw naman sa imbestigasyon ng pulisya, na nasa daanan ng mga sasakyan ang bata kaya ito nahagip ng trak.

Tumanggi naman ang naarestong drayber ng trak na magbigay ng pahayag. -- FRJ, GMA News