ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

1 patay, 3 sugatan sa banggaan ng bus at trak sa NLEX


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa na namang aksidente ang kinasasangkutan ng isang pampasaherong bus na nangyari sa North Luzon Expressway (NLEX) nitong madaling araw ng Biyernes kung saan isa ang namatay at tatlo ang sugatan.
 
Sinabi ng tagapagsalita ng NLEX na si Benigno "Buboy" Vales, na ang nasawi ay nakasakay sa bus na nabangga ng trak.
 
"Confirm nila isa ang fatality, galing sa bus. May injured na tatlo," sabi ni Vales sa isang panayam sa radio dzBB.
 
Hindi pa malinaw kung drayber o ang konduktor o pasahero, hindi siya kaagad nakasagot, dahil ang tanging impormasyon pa lamang na nakararating sa kanila ay mula sa bus ang nasawi.
 
Nang tanungin kung ang trak talaga ang nakatama sa bus, sinabi ni Vales na, "'Yan ang nakita ng aming team."
 
Sa naunang ulat, sinabi sa dzRH radio na ang insidente ay nangyari sa bahagi ng NLEX sa Dau-Angeles area.
 
Nagdulot ang insidente ng pagsisikip ng trapik na abot isang kilometro sa LEX Angeles exit. -- JGV, FRJ, GMA News