ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaki, pinagbabaril ang mga hinostage niyang kaanak sa CamSur; suspek, nagpakamatay din


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagwakas sa trahedya ang may 10-oras na hostage drama sa Pili, Camarines Sur matapos pagbabarilin at mapatay ng hostage taker ang binihag niyang mga kaanak, at pagkatapos ay nagbaril sa sarili. Pero nadagdagan ang mga biktima nang sumabog ang granada sa bangkay ng suspek.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon, sinabing binihag ng suspek na armado ng baril nitong Martes sa kanilang bahay ang apat katao na kaniya ring pinagbabaril.

Napag-alaman na tatlo sa mga biktima ay kaanak mismo ng suspek at kasambahay naman ang isa pa.

Nahirapan umano ang mga pulis na makipagnegosasyon sa suspek at tumagal ng 10 oras ang hostage drama.



Pero nang makarinig ng mga putok ng baril, sinugod na ng mga pulis ang bahay. Doon nakitang patay na ang mga biktima at ang suspek na pinaniniwalaang nagbaril sa sarili.

At habang inaalis na umano ang bangkay ng suspek, biglang sumabog ang granada na umano'y nasa katawan nito.

Nasugatan sa naturang pagsabog ang isang pulis at dalawang helper ng kumukuhang punerarya.

Kwento ng isa sa mga kaanak na nakaligtas, may pinag-aawayan ang suspek at isa pa nilang kaanak bago naganap ang hostage taking na humantong sa pamamaril. --