ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

10-anyos na lalaki, nabaril sa dibdib ng kalaro sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inoobserbahan ngayon sa ospital ang isang 10-anyos na lalaki dahil sa tinamong tama ng bala sa pagitan ng dibdib at balikat dulot ng aksidente umanong pagkakabaril ng kaniyang 11-anyos na kalaro sa Quintin, Pangasinan.

Sa ulat ni CJ Torrida ng GMA-Dagupan sa Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Huwebes, sinabing naganap ang insidente sa bahay ng batang nakabaril.



Hindi pa malaman ng pulisya kung saan nanggaling ang baril dahil hindi pa umano nagbibigay ng pahayag ang pamilya ng suspek na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development.

Nagbabala rin ang pulisya na posibleng kasuhan ng obstruction of justice ang taong naglinis sa crime scene dahil hindi na makita ang basyo at slug ng bala.

Nagkaroon na rin umano ng kasunduan ang magkabilang pamilya na aakuin ng pamilya ng batang nakabaril ang gastos sa ospital ng batang biktima. -- FRJ, GMA News