ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ang huling Amerikano na naging alkalde ng Baguio City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kilala niyo ba kung sino ang Amerikanong inhinyero na naging huling dayuhang alkalde ng Baguio City?

Tumagal ng may 17 taon (1920 hanggang 1937) ang pamamahala sa Baguio City bilang alkalde ng American civil engineer na si  Eusebius Julius Halsema.

Dumating sa bansa si Halsema noong 1908 bilang bahagi ng Bureau of Public Works ng pamahalaang Amerikano na sumasakop noon sa Pilipinas.

At nang magkaroon ng digmaan at salakayin ng Japan ang Pilipinas, kabilang si Halsema sa mga binihag at nasawi noong 1945. Sa Baguio na inilibing si Halsema, na naging tahanan niya ng mahigit 30 taon.

Sa kaniya ipinangalan ang Halsema Highway na pinasinayaan noong 1930 na nagdudugtong sa Baguio City at Bontoc, Mountain Province. 

Kilala ang Halsema Highway dahil ang bahagi nito sa Atok, Benguet ang itinuturing “highest highway point" sa Pilipinas na tinatayang nasa 7,400 feet above sea level. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia