ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Rotating brownouts, power shortage, pipilay sa ekonomiya
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Naniniwala ang isang mambabatas na malaking banta sa ekonomiya ang nakaambang rotating brownouts at power shortage sa bansa.
Magreresulta ito sa pagkalugi ng mga negosyo at pagkawala ng trabaho ng libu-libong manggagawa ayon kay Senador Bam Aquino.
“Katulad ito ng nangyaring malawakang brownout sa Mindanao, kung saan maraming kompanya ang nalugi at tuluyang nagsara at maraming manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay,” saad ni Sen. Aquino, tagapangulo ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship.
“Kung mangyayari ito sa Metro Manila at sa mga karating lugar sa Luzon na sentro ng negosyo, mas malaki pa ang magiging kalugian at mas maraming manggagawa ang maaapektuhan,” ayon kay Aquino.
Una nang ibinabala ng Manila Electric Co. (Meralco) ang pagkakaroon ng rotating brownouts at power shortage bunsod ng temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Korte Suprema, na pumigil sa mataas na singil sa kuryente.
Ayon sa Meralco, maaring hindi na sila bentahan ng kuryente ng mga generating firms kung hindi pahintulutan ng Korte Suprema na magtaas ng singil ng P4.15 kada kilowatt hour.
Kailangan raw ng kumpanya magtaas ng singil dahil napilitan ito na bumili ng kuryente sa mas mataas na halaga dahil sa panandaliang pagsara ng Malampaya gas project at ibang mga power plant.
Kailangan raw ng kumpanya magtaas ng singil dahil napilitan ito na bumili ng kuryente sa mas mataas na halaga dahil sa panandaliang pagsara ng Malampaya gas project at ibang mga power plant.
Maiiwasan ang banta ng rotating brownouts at power shortage kung mapabibilis ang proseso sa pagpasok ng mga kompanya sa industriya ng kuryente, ayon kay Aquino.
Paliwanag nito, maraming kompanya ang interesadong mamuhunan sa sektor ng kuryente, ngunit nadidismaya sa kupad ng proseso ng pagkuha ng permisong makapag-operate.
Diin pa nito, mahalaga ang pagkakaroon ng maraming power plants upang matiyak ang sapat na supply ng kuryente sa mababang halaga.
“Dinisensyo ang merkado upang mapababa ang halaga ng kuryente sa pagpasok ng maraming power producers,” dagdag pa niya.
Nais ng solon na imbestigahan kung nabibigyan nga ba ng pamahalaan ng sapat na suporta ang mga kompanyang nagbabalak magtayo ng planta ng kuryente.
Hindi aniya puwedeng nakasalalay ang kabuhayan ng mga tao sa iilang kompanya lamang ng kuryente. — Linda Bohol/JDS, GMA News
Tags: meralcoratehike, powerhike
More Videos
Most Popular