ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinsan at ninong sa kasal, suspek sa pagpatay at paggahasa sa batang babae sa Naic, Cavite


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagpositibo sa iligal na droga ang dalawang suspek sa pagpatay at panggagahasa sa 10-anyos na si Cheska Katibayan Santos. Ang mga suspek, pinsan ng biktima at ninong sa kasal ng kaniyang mga magulang.

Natagpuan ang bangkay ni Santos na isiniksik sa loob ng drainage ng isang bakanteng subdibisyon sa Naic, Cavite nitong Huwebes ng gabi. Sa resulta ng awtopsiya sa kaniyang mga labi, lumitaw na hinalay din ang biktima.



Ayon kay P/Supt Hermogenes Cabe, OIC-Naic Police Station, sasampahan ng kaukulang kaso sina Aries Novero, 38-anyos; at Daniel Ligaya, 51-anyos, kapwa residente sa barangay Malainen Luma, Naic, Cavite.

Una rito, nakitaan umano ng mga galos sa katawan ang dalawa at nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga nang suriin.

Ipinadala na rin umano sa crime laboratory ang iba pang ebidensiya tulad ng damit ng suspek na may bahid ng dugo. -- FRJ, GMA News