ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Malamig na panahon, hinihinalang may kaugnayan sa pagkamatay ng 4 na matanda sa Baler


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinaniniwalaan na may kaugnayan ang malamig na panahon kaya nagkasakit at namatay ang apat na matandang lalaki sa Baler, Aurora.
 
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Lunes, inihayag umano ng kapitan ng barangay sa lugar kung saan nasawi ang mga matanda na posibleng ang malamig na panahon ang naging ng pagtaas ng presyon ng dugo ng mga biktima, at nagresulta sa kanilang pagkasawi.



Nasa 74 hanggang 94 umano ang edad ng mga nasawing nakatatanda.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, naglalaro sa 13.1 Degrees celsius ang temperatura sa Baler. -- FRJ, GMA News