ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Condo CCTV footage, kinuwestiyon ng kampo ni Cedric Lee at Deniece Cornejo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinuwestiyon ng abugado nina model-stylist Deniece Cornejo at businessman Cedric Lee ang authenticity ng  CCTV footage na ginamit ng National Bureau of Investigation sa imbestigasyon nila sa pamumugbog kay Vhong Navarro.

"I don't know if it is authentic. I don't know if it has been tampered. What is not subject to tampering is a true narration of a believable witness," sabi ni Howard Calleja sa "24 Oras" sa GMA na inere noong Huwebes ng gabi.

Ang tinutukoy ni Calleja ay ang CCTV footage na ibinigay sa NBI ng Forbeswood Heights management noong Martes.

Makikita sa footage ang ilang mga pangyayari sa loob ng condominium noong Enero 22 nang mangyari ang pambubugbog.

Nauna nang sinabi ng NBI na tila sinusuportahan ng CCTV footage ang bersyon ni Navarro na hindi niya ginahasa ang babae.

"Tugma ang CCTV footage sa testimony ni Vhong Navarro," ayon kay NBI-NCR assistant regional director Vicente De Guzman nang ipakita ang CCTV footage sa media noong Miyerkules.

Kampante naman ang kampo nila Calleja sa kabila ng mga ebidensiya dahil ang footage ay hindi nagpapakita ng kabuuan ng pangyayari, aniya.

"They are telling me that, indeed, something happened between them and Vhong. Tinatanong nila kung makakatulong sa kaso," sabi ni Calleja. Idinagdag niya na may mga babae nang nag-iisip magsampa ng hiwalay na kaso ng rape kay Navarro.

Hindi naman gagamitin ng kampo nila Calleja ang testimonya ng mga babaeng ito sa kasong isinampa nila sa Taguig City Prosecutor's Office.

"If they (other alleged victims) would like to come out, then they come out with their own cases...It would be their own case against Vhong," sabi ni Calleja.

Inihahanda na ng kampo ni Calleja ang counter-affidavit upang sagutin ang mga akusasyon ni Vhong, kabilang ang sinasabi ng aktor na binugbog siya at sinaktan siya sa may-ari at binidyo pa umano ito.

"Wala hong nangyaring ganun... Ako, lalaki din e, siguro kung ginawa sa'kin yun... I don't know if I can be standing like I saw him standing signing the blotter," sabi ni Calleja. — JGV /LBG, GMA News