ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batang tinamaan ng tigdas sa San Carlos City, Pangasinan, pumanaw


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang batang lalaki sa San Carlos, Pangasinan ang nasawi matapos tamaan ng tigdas at magkaroon ng komplikasyon na nauwi pulmonya na dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Sa ulat ni Joanne Ponsoy ng GMA-Dagupan sa GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon, sinabi ng duktor sa Pangasinan Provincial Hospital na pneumonia secondary to measles, o pulmonyang pinalala ng tigdas ikinamatay ng dalawang-taong-gulang na lalaki.



"Ang naging komplikasyon nito ay pneumonia. So nagkaroon muna siya ng tigdas, he stayed in the hospital for five days, admitted on January 20 and nag-expire siya because of complication 'yon nga, yung pneumonia," paliwanag ni Dr. Karlo Marco Orduna, chief clinic, PPH.

Nakitaan daw ng rashes sa balat ang bata nang una siyang dalhin sa ospital. Sunod nito, dinapuan na siya ng ubo, sipon hanggang sa mauwi na sa pulmonya.

Sa tala ng ospital, hindi lamang ang namatay na bata ang pasyente ng tigdas na dinala sa kanila.
Umaabot sa 28 pasyente na nakitaan ng mga sintomas ng tigdas ang kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Pinakabata sa mga ito ang isang sanggol na anim na buwang gulang mula rin sa San Carlos city. -- FRJ, GMA News

Tags: tigdas, measle