ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Naghimala umanong imahen ng Sto.Niño sa Cebu, patuloy na dinadagsa ng mga tao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hinigpitan ang seguridad sa isang kapilya sa Sitio Saac Dos, Barangay Mactan sa Lapu-Lapu City, dahil sa patuloy na pagdami ng mga tao na nais makita ang imahen ng Santo Niño na sinasabing nagsalita sa tatlong bata na nakapulot dito.

Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing tinitiis ng mga deboto ang mahabang linya para makalapit at mahaplos ang imahen.

Inaabot umano ng hanggang dalawang oras ang pagpila ng bawat deboto para makalapit sa imahen na inilagay nakalagay sa isang maliit na kapilya.



Ayon sa opisyal ng barangay, mahigit 10,000 katao na ang dumagsa sa lugar mula nang kumalat ang balita tungkol dito sa naghimalang imahen. Dinagdagan naman ang mga tauhan ng barangay at pulisya para mangasiwa sa seguridad ng mga tao.
 
Marami sa mga deboto ang nag-aalay ng mga bulaklak at kandila, kaya naman may mga nagbebenta na rin ng mga nasabing produkto sa barangay.

Una rito, sinabing nakita ng tatlong bata na nasa edad tatlo at apat ang imahen ng Santo Niño sa isang damuhan noong nakaraang linggo.

Sa pag-aakalang laruan, dinampot daw ito ng mga bata pero naihagis nila nang maramdaman na malambot ang imahe at bigla umanong nagsalita.

Iniimbestigahan na ng simbahan ang umano'y mapaghimalang imahen. -- FRJ, GMA News