ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Ina, inireklamo ang sariling anak ng panggagahasa
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang 54-anyos na ginang ang nagreklamo sa pulisya sa Baclayon, Bohol na biktima siya ng panghahalay. Ang itinuro niyang suspek, ang sarili niya mismong anak na 31-anyos.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabing nagtungo sa himpilan ng pulis ang ginang para isumbong ang ginawa sa kaniya ng sariling anak.
Agad namang kumilos ang mga pulis at pinuntahan ang bahay ng mag-ina.
Nadatnan umano ang suspek sa bahay at nagtatangkang magbigti.
Isinailalim na sa medical examination ang ginang, habang posibleng maharap sa kasong rape ang suspek.
Sinubukan ng GMA News na kunin ang panig ng suspek pero hindi umano ito makausap ng maayos, ayon sa ulat. -- FRJ, GMA News
Tags: rape
More Videos
Most Popular