ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Panukalang batas na maglagay ng sign language sa local news programs sa TV, pasado sa Kamara 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inaprubahan na sa Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magtatakda sa mga television station na maglagay ng Filipino sign language sa kanilang local news programs.

Sa isinagawang botohan, 208 kongresista ang pumabor sa House Bill (HB) No. 1214 na inihain ng magkapatid na Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao party-list Rep. Maximo Rodriguez.

Sa ilalim ng nabanggit na panukalang batas, aamyendahan ang Section 22 ng Republic Act (RA) No. 7277 o the Magna Carta for Persons with Disabilities.

Basahin: Deaf make a difference in 2nd PNoy SONA livestream

Inilagay bilang bagong probisyon sa nasabing batas ang pagtatakda sa mga television stations na maglagay ng Filipino sign language sa mga news program para sa kapakinabangan ng mga may kapansanan sa pandinig.

Nakasaad din sa panukala ang posibilidad ng paglalagay ng closed captions o subtitles sa kahit dalawang news program bawat araw at kung mayroong mga pambansang mahahalagang coverage.

"With the advances of information technology and the relevance of television programs, motion pictures and other audio-visual presentation as tools of learning, there is a need to enable persons with hearing impairments to take advantage of such technology and enjoy audio-visual presentations with their seemingly unbounded innovation," paliwanag sa panukalang batas. - RP/FRJ, GMA News