ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ukay-ukay na mga damit, nagmistulang bundok sa sobrang dami sa Cordova, Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagmistulang bundok sa sobrang dami ang mga segunda-manong damit o ukay-ukay na nakatambak ngayon sa isang compound sa Cordova, Cebu na dinadagsa ng mga mamimili.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Miyerkules, sinabing iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang mga segunda-manong damit dahil sa nakalap na impormasyon na posibleng donasyon daw ang mga ito para sa mga biktima ng bagyong "Yolanda."



Paliwanag umano ng isa sa mga taunan ng compound, nakuha raw ng kaniyang amo ang mga ukay-ukay na damit sa warehouse na kanilang nabili.

Binalak din daw nilang i-donate ang mga damit sa mga biktima ng bagyo pero tinanggihan daw ito ng mga awtoridad dahil sa sobrang dami.

Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang pahayag ng dating may-ari ng warehouse.

Sa ngayon ay patuloy na dinadayo ng mga mamimili ang naturang compound. -- FRJ, GMA News

Tags: ukayukay, cebu