ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batang magkapatid, patay sa kinaing balanghoy o 'wild cassava'; 18 iba pa, naospital


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang minor de edad ang nasawi at 16 iba pa ang naospital matapos kumain umano ng "wild cassava" na tinatawag na balanghoy o balinghoy sa Kidapawan City, Cotabato.

Sa ulat ni jennifer Solis sa GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Lunes, sinabing hindi na umabot ng buhay sa ospital ang magkapatid na sina Irene at Jessica Diarog.

Ayon sa kanilang ama, nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, at pagsusuka ang mga bata matapos kumain ng balanghoy na isang uri ng kamoteng kahoy.

Pinagsaluhan daw ito ng 16 pang katutubong Manobo nitong Biyernes, na karamihan ay mga bata ang karamihan sa mga tumikim ng balanghoy.



Nagpapagaling na ang mga nabiktima.

Kinumpirma ng public safety division ng lungsod na na-food poison ang mga katutubong kumain ng "wild cassava."

Nitong Sabado, ipinasuri sa Bureau of Plant Industry ng Department of Agriculture ang sample ng naturang kamote.

Napag-alaman sa pagsusuri na hindi ligtas kainin ang naturang kamoteng kahot dahil nagtataglay ito ng "HCN" o hydrogen cyanide na nakalalason.

Plano ngayong magsawa ng mga otoridad ng information drive sa mga nakatira sa bundok at malalayong barangay tungkol sa panganib sa kalusugan ng ilang halamang makikita sa bundok.

Ipagbabawal na rin ang pagtatanim, pag-ani, at pagkain ng "wild cassava." -- FRJ, GMA News