ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Foreigner, patay sa riding-in-tandem sa Makati


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang dayuhang pastor ang pinagnakawan at pinatay ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo sa barangay East Rembo sa Makati City.

Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Michael Rosendale, isang Australian national.

Inabutan ng mga awtoridad na nakahandusay sa kalsada ang duguang bangkay ni Rosendale na isa ring pastor.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis, dalawang tama ng bala mula sa 9mm na baril ang tinamo ng biktima sa kaliwang bahagi ng katawan nito.



Hinala nila, hindi kaagad ibinigay ni Rosendale ang gamit nito kaya binaril ng mga suspek.

Nakita sa lugar ng krimen ang bahagi ng napatid na bag ng biktima na natangay ng mga salarin.

Nabahala naman ang kapitan ng barangay na si Art Contreras, dahil ito umano ang unang pagkakataon na maagang naganap ang pang-aagaw at pinaslang pa ang biktima.

Kamakailan lang, binaril at napatay ng mga hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo ang isang mag-ina sa Quezon City habang nakasakay sa taxi.

Sa tala ng Philippine National Police,  mahigit 3,000 ang kaso ng mga krimeng kinasasangkutan ng mga riding in tandem noong 2013 kaya puspusan umano ang kanilang operasyon laban sa mga ito. -- FRJ, GMA news