ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Baradong imburnal sa Cebu, may nakamamatay na amoy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang lalaki na maglilinis sana ng baradong imburnal sa isang palengke sa Talisay City, Cebu ang nasawi dahil sa pinaniniwalaang kemikal na kanilang naamoy sa loob.

Sa ulat ni Vic Serna ng GMA-Cebu  sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," kinilala ang magpansing biktima na sina Brendon at Romeo Cabanes.

Binawian sila ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital.



Kwento ng iba nilang kasamahan, hinanap nila ang magpinsan nang hindi sila umahon mula sa imburnal ilang oras makaraan silang pumasok.

Sa loob umano nakita ang magpinsan na wala nang malay. Pinaniniwalaang may nakalalasong kemikal sa loob ng imburnal dahil maging ang sumaklolo sa mapinsan ay nahilo din umano.

Iniimbestigahan na kung ano ang posibleng kemikal na nalanghap ng mga biktima. Aalamin din kung nagkaroon ng kapabayaan sa pagtatrabaho ng dalawa dahil sa ulat na wala silang safety mask nang pumasok sa imburnal.

Nangako naman ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Talisay sa pamilya ng mga biktima.-- FRJ, GMA News