ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 sugatan sa pagsabog sa Mandaluyong
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi bababa sa dalawa katao ang nasugatan sa pagsabog madaling-araw nitong Miyerkules sa isang barangay outpost sa Mandaluyong City.
Ayon sa ulat ni Glen Juego ng dzBB, inaalam pa ng mga pulis kung ang pagsabog ay nagmula sa isang granada.
Ayon sa paunang impormasyon, sinasabing nangyari ang pagsabog sa isang outpost sa Brgy. Mauway.
Hindi naman kaagad kinilala ang mga nasugatang biktima.
Inaalam pa rin hanggang ngayon ng pulisya ang motibo sa pagsabog. — JGV /LBG, GMA News
More Videos
Most Popular