ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mukha umano ni Kristo, lumitaw sa isang pader sa Iloilo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dinadayo ngayon ng mga deboto ang isang bahay sa Tigauan, Iloilo dahil sa paniwala na may himalang naganap nang lumitaw sa pader ang mukha ni Kristo.

Sa ulat ni Nenita Hobilla ng GMA-Iloilo sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Huwebes,  sinabing maaanig sa pader ang hugis ng mukha ni Kristo.



Pero ayon kay Dr. Ivan Luke Fernandez, isang dentista na nag-aral tungkol sa mga nabubuong imahe o pigura sa mga bagay tulad ng ulap,  isang psychological phenomenon o pareidolia ang nangyari sa pader at hindi himala.

Ang pareidolia ay ang kakayanan ng isang tao na makabuo o makakilala ng hugis na nabubuo sa mga bagay tulad ng pader, ulap, bato at iba pa.

Samantala, magsasagawa naman ng imbestigasyon ang Simbahang Katolika tungkol sa paglitaw ng imahe ni Kristo sa pader. -- FRJ, GMA News