ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Koreano, patay matapos mahulog mula sa ika-24 palapag ng Mandaluyong condo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang Koreano matapos umanong tumalon mula sa ika-24 na palapag ng isang condominium tower sa kahabaan ng EDSA sa Mandaluyong City umaga nitong Huwebes, ayon sa isang ulat ng dzBB.

Nagmula ang inisyal na ulat sa isang opisyal ng barangay, sinabi ng dzBB sa tweet. Sa sumunod na tweet, idinagdag ng dzBB na ang biktima ay 35 anyos at nagtatrabaho bilang isang musikero.

Rumisponde naman ang scene of the crime operatives sa lugar matapos ang insidente, dagdag ng dzBB sa tweet nito. Hindi binigay sa ulat ang pangalan ng nasawi.

Nagdulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko ang insidente sa kahabaan ng southbound ng EDSA patungong Makati. — JGV /LBG, GMA News