ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Walang Pinoy sa nawawalang eroplano ng Malaysian Airlines - report
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Walang Pilipinong kasama sa isang eroplano ng Malaysia Airlines na nawala habang patungong Beijing mula Kuala Lumpur nitong Sabado.
Sa listahang inilabas ng airline company ng mga pasahero ng Flight MH370, lumitaw na walang Pinoy na nakasakay dito.
"The flight was carrying a total number of 239 passengers and crew – comprising 227 passengers (including two infants), 12 crew members. The passengers were of 14 different nationalities," ayon sa kumpanya.
Kabilang sa mga pasahero ng eroplano ay mula sa:
1. China: 152 at 1 sanggol
2. Malaysia: 38
3. Indonesia: 12
4. Australia: 7
5. France: 3
6. United States: 3 matatanda at 1 sanggol
7. New Zealand: 2
8. Ukraine: 2
9. Canada: 2
10. Russia: 1
11. Italy: 1
12. Taiwan: 1
13. Netherlands: 1
14. Austria: 1
2. Malaysia: 38
3. Indonesia: 12
4. Australia: 7
5. France: 3
6. United States: 3 matatanda at 1 sanggol
7. New Zealand: 2
8. Ukraine: 2
9. Canada: 2
10. Russia: 1
11. Italy: 1
12. Taiwan: 1
13. Netherlands: 1
14. Austria: 1
Ayon sa mga opisyal ng airlines, nawala ang Flight MH370 bandang 2:40 a.m. lokal na oras ng Malaysia.
Ang eroplano, isang Boeing 777-2000, ay umalis ng Kuala Lumpur makalipas ang hatinggabi ng Sabado, at nakatakda sanang dumating ng destinasyon nito ng 6:30 a.m. doon.
Isa lamang raw "espekulasyon" ang napabalitang lumapag na ang eroplano sa Nanming.
Ayon sa airline company ang eroplano ay pinalilipad ni Captain Zaharie Ahmad Shah, 53, isang Malaysian na nagtatrabaho sa kumpanya simula pa noong 1981 at nakabuo na ng 18,365 flying hours.
Dagdag ng kumpanya, si First Officer Fariq Ab.Hamid, isa ring Malaysian, 27, ay nakabuo na ng 2,763 flying hours at sumali sa kumpanya noong 2007.
"Our focus now is to work with the emergency responders and authorities and mobilize its full support. Our thoughts and prayers are with all affected passengers and crew and their family members," sabi ng airline.
Nauna nang sinabi sa isang panayam sa GMA News Online ni Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez na nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Embassy sa Kuala Lumpur.
Pahayag ng airline, nakikipag-ugnayan na sila sa mga kaanak ng mga pasahero.
"Malaysia Airlines is currently working with the authorities who have activated their Search and Rescue team to locate the aircraft," sabi nito.
Maaari raw tawagan ang numerong +603 7884 1234.
Para sa mga taga-media, maaari ring tumawag sa +603 8777 5698/ +603 8787 1276.
Maaaring dumiretso ang mga kamag-anak sa Support Facility Building sa KLIA’s South Support Zone. Para sa direksyon, tumawag sa 03 8787 1269. — JGV /LBG/FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular