ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking may psoriasis sa Pangasinan, mabuti na ang lagay; nagpakita na rin ng mukha


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bumubuti na ang lagay ng dalawang taga-Pangasinan na nakitaan ng sakit sa balat.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabing ang lalaking taga-Villasis na may psoriasis, hiniling nang ipakita ang kanyang mukha.

Gusto raw ni Alex Maganeya, na maging ehemplo sa ibang may sakit sa balat na hindi sila dapat mahiya.



Nabawasan na ang kanyang rashes at nakauwi na siya sa kanilang bahay.

Nakakalakad na rin siya sa tulong ng walker na ibinigay sa kanya ng provincial health office.

Sumasailalim naman sa skin grafting treatment ang babaeng pasyente na taga-Santa Barbara na may leprosy o ketong. -- FRJ, GMA News