ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babaeng caretaker ng isang gusali, dalawang ulit pang binaril kahit tumba na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakunan ng video ang pagbaril at pagpatay sa isang babaeng caretaker ng isang gusali sa Quezon City. Sa  footage ng cctv camera, makikitang dalawang beses pang binaril ng suspek ang nakatumbang biktima.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Sabado, kinilala ang biktima na si Elizabellita Ramos, 45-anyos, caretaker ng isang gusali sa barangay Greater Lagro, Quezon City.

Bagaman nakunan ng video ang pamamaslang, hindi naman makita ang plaka ng mga sasakyan na pinaniniwalaang sangkot sa krimen dahil sa may kalabuan ang footage.



Gayunman, makikita ang itsura ng itinuturong gunman na may katabaan ang pangangatawan at kalmado lang naglakad matapos maisagawa ang krimen.

Hinihinalang may kasabwat ang suspek gaya ng isang lalaki na nagmaneho ng taxi, at lalaking nakasakay sa motorsiklo na nakitang kinausap ng pinaniniwalaang gunman.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo ng pamamaslang. Pero ang kapatid ng biktima, naniniwalang may kinalaman ang krimen sa gusot sa pag-aari ng building na pinagtatrabahuhan ni Ramos.

Minsan na rin daw pinagtangkaan ang buhay ni Ramos dahil sa naturang gusali na pag-aari rin ng kanilang kamag-anak. -- FRJ, GMA News