ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Dahil sa 'selfie' sa Facebook, umano'y robbery group, natimbog
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Apat na lalaki na miyembro umano ng isang robbery group na pinaghahanap sa Quezon City ang natunton at naaresto ng mga awtoridad sa Olongapo dahil sa pag-post umano ng "selfie" sa Facebook ng isa sa kanila.
Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing nabisto ang kinaroroonan ng grupo sa isang resort sa Olongapo dahil sa post ng larawan sa Facebook ng isa nilang kasamahan.
Kinasuhan sila dahil sa illegal possession of firearms at explosives.
Matapos ma-inquest sa Olongapo, ibiniyahe ang grupo pabalik sa Quezon City kung saan talamak daw ang kinasangkutan nilang pagnanakaw. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular