ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

7 suspek sa umano'y tutorial center na ginagawang cybersex den sa Pangasinan, pinalaya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinalaya ng Department of Justice ang pitong suspek sa operasyon ng isang tutorial center na ginagawa umanong cybersex den sa Lingayen, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Lunes, sinabing noong nakaraang linggo nang arestuhin ang tatlong Japanese at apat na Filipino, na operator ng tutorial center na ginagawa umanong cybersex den sa Lingayen.



Ayon sa mga pulis, pinaghuhubad ang mga babaeng tutor sa harap ng computer habang kausap ang kanilang mga kliyente.

Pero hindi nakapagsumite ng sapat na ebidensiya ang mga pulis para patunayan ang kanilang alegasyon.

Dahil dito, ipinag-utos ng DOJ na palayain ang mga suspek.

Hindi naman na-dismiss ang reklamo at itinakda ang preliminary investigation sa April 2. -- FRJ, GMA News

Tags: cybersexden