ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mayor Duterte, ipinaliwanag ang dahilan kung bakit hindi siya tatakbong pangulo sa 2016
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagdesisyon na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbong pangulo sa gaganaping halalan sa 2016. Nanawagan din ang alkalde na ihinto na ang ginagawang pangangalap ng lagda para kumbinsihin siyang tumakbong pangulo ng bansa.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabi umano ni Duterte na mas nais pa niyang magsilbi sa kaniyang mga kababayan sa Davao.
Naniniwala rin ang alkalde na hindi pa handa ang Pilipinas sa sistemang gusto umano niya para sa bansa.
Sinabi sa ulat na mula nitong Pebrero, aabot na umano sa tatlong milyon ang nakalap na lagda para hikayatin siyang tumakbong pangulo.
Nakiusap si Duterte sa mga tao na ihinto na ang panganagalap ng mga lagda. -- FRJ, GMA News
Tags: 2016nationalelections, duterte
More Videos
Most Popular