Pinoy supermarket makikita na sa Las Vegas
Malapit nang makapamili ang mga Pinoy sa Las Vegas, USA ng mga produkto na sa Pilipinas lang makikita tulad ng daing, tocino, puto at iba pa. Ilan lamang ito sa mga produktong ibebenta sa Seafood City, isang premier Filipino full-service supermarket na bubuksan sa Maryland Parkways sa Las Vegas. Nais ng Seafood City, ayon ulat na lumabas sa Asianjournal.com, na maramdaman ng mga mamimili partikular ng mga Pinoy at mga Asyano sa nasa US na maramdaman na hindi sila malayo sa kanilang bansang pinagmulan. Isisigaw ng Seafood City ang katagang, âHigit sa Lahat, Pilipino!," tiyak umano na manunumbalik sa isang mamimili ang alaala ng pamamalengke sa Pilipinas dahil sa mala-talipapa na estilo ng supermarket. âIt will surely make shoppers feel as if they were right back home!," ayon sa pahayag. Iaalok din ng Seafood City ang mga sariwang seafood, karne, at iba pa na aprubado ng US Department of Agriculture. Mayroon ding natatanging serbisyo na iaalok ang supermarket tulad ng âfish cleaning and frying." Maliban sa mura at sariwang mga produkto, tiniyak din ng pamunuan ng Seafood City na gamit nila ang mga state-of-the-art check out system at mayroon itong malawak na parking space. Tiniyak din ng pamunuan na sumusunod ang supermarket sa matinding standards sa sanitation, health at safety sa industriya sa US. Misyon ng pamunuan ng Seafood City na maging tambayan ng mga Filipino ang supermarket sa pamamagitan ng paglalagay sa harapan nito ng mga kilalang fastfood chain sa Pilipinas.-Fidel Jimenez,GMANews.TV