ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Buhawi, nanalasa sa isang bayan sa Pangasinan -- report


Tinatayang nasa 20 kabahayan ang napinsala sa San Carlos City, Pangasinan matapos manalasa ang buhawi, ayon sa isang ulat sa radyo nitong Lunes.

Sa ulat ng Bombo Radyo, sinabing tumama ang buhawi sa Barangay Bulingit at nakapinsala ng mga bahay at maging ng mga poste ng kuryente sa Sitio Silapan at Burgos.

Pansamantalang pinatuloy ang mga naapektuhang pamilya sa isang evacuation center sa lugar.

Ngayong buwan ng Abril, nanalasa rin at nakasira ng mga bahay ang buhawi na tumama sa General Santos City, at maging sa Magsaysay, Davao del Sur. — FRJ, GMA News

Tags: buhawi