ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

23 katao, arestado sa anti-drug raid sa Cagayan de Oro


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dinakip ng mga awtoridad ang may 23 suspek na hinihinalang pagtutulak at gumagamit ng iligal na droga sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon, sinabing ang anti-illegal drugs operation ay pinangunahan ng mga operatiba ng Philippine anti-Drug Enforcement Agency (PDEA-Region 10).



Sinasabing apat sa mga nadakip ang sangkot sa bentahan ng shabu sa lugar. Nakuha umano sa mga ito ang may 50 gramo ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng kalahating milyon piso.

Narekober din ng mga awtoridad ang isang baril at mga gamit sa paggamit ng iligal na droga.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Anti-Dangerous Drugs Act. -- FRJ, GMA News