ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga mangingisda sa Mandaue City, sumabak sa boat race at swimming competition


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Para mahikayat ang mga Cebuano na sumabak sa sports, nagpaligsahan ang mga mangingisda sa pabilisan ng paglangoy at pagsagwan sa Mandaue City sa Cebu.

Sa ulat ni Randy Gullon ng GMA-Cebu sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabing nag-summer break muna ang mga mangingisda sa lungsod para lumahok sa kanilang kauna-unahang boat race.

Sa 15 mangingisdang lumahok sa boat race, nagwagi ang 55-anyos na si Jaime Parawan, at tinalo niya ang mga mas batang mangingisda.

Nanaig naman sa kategoryang 5-man team relay ang grupo ni Ricky Peroso ng Barangay Looc.



May ginanap ding swimming competition kung saan namayani ang 29-anyos na si Jocel Serafica.

Ang boat race at swimming competition ay proyekto ng Mandaue Sports Commission na bahagi ng pagdiriwang ng kanilang kapistahan.

Layunin din ng komisyon na hikayatin ang kanilang mga kababayan lalo na ang kabataan na sumabak sa sports. -- FRJ, GMA News

Tags: cebu