ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaki o babae: Sino ang mas maagang nag-aasawa?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa datos ng National Statistics Office (NSO), lumitaw na bahagyang nabawasan ang nagpakasal sa bansa noong 2011 kung ikukumpara noong 2010. Alamin kung lalaki o babae ang maagang nagpapatali sa kasal. Ayon sa datos ng PSA, umabot sa 476,408 kasal ang naitala noong 2011, na bahagyang mas mas mababa sa 482,480 kasal na naitala noong 2010. Pinakamarami ang ikinasal sa National Capitol Region na kumakatawan sa 14.1 percent sa bilang ng mga ikinasal noong 2011. Sinundan ito ng Region IV-A (CALABARZON), na kumakatawan sa 12.1 percent, at Region-III (Central Luzon), na 11.7 percent. Pinaka-kaunti naman sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na umabot lang sa 0.3 percent. Lumitaw din sa datos na mas maagang nagpapakasal ang mga babae. Ang median age para sa mga "bride" ay nasa 25.3 habang 28.0  para sa mga "groom."  Noong 2011, pinakamarami sa mga "bride" ang nasa age group na 20-24, habang nasa 25-29 age group naman ang mga "groom." -- FRJ, GMA News
Tags: pinoytrivia