ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Babaeng call center agent, natagpuan patay at tadtad ng bala ang katawan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang call center agent na babae ang hindi na nakarating sa kaniyang pinapasukan sa Quezon City matapos na makita ang kaniyang bangkay sa madamong lugar sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Biyernes, sinabing nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima.

Hinala ng pulisya, posibleng biktima ng holdup ang babae.



Kuwento ng mister ng biktima, huli niyang nakausap ang asawa noong Martes ng gabi. Sumakay umano ito ng van sa Malolos City para pumasok sa kaniyang trabaho.

Pero hindi na nakarating sa kaniyang pinapasukan sa Quezon City ang biktima. Sa sumunod na araw, nakita ang duguan niyang bangkay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya na may hinalang sa van na dala mismo ng suspek napasakay ang biktima. -- FRJ, GMA News