ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batang lalaki, nalunod sa swimming pool sa Cotabato


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang walong-taong-gulang na lalaki na nakunan pa sa video na masayang naglalaro sa gilid ng swimming pool ang nasawi matapos malunod sa isang resort sa M'lang, Cotabato.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Sabado,  ipinakita ang kuha sa closed-circuit-television na masiglang naglalaro ng "beach ball" ang biktimang Rolen Roy Zaldevia sa birthday party ng kamag-anak sa tabi ng swimming pool.

Pero sa gitna ng kasiyahan, nawala ang bata.



Hindi nagtagal, isang lalaking sumisid sa pool ang nakakuha bata at iniahon ito na wala nang malay.

Sinubukan siyang i-revive at saka dinala sa ospital pero huli na ang lahat.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, hindi napansin ng nagbabantay sa biktima na bumalik pala ito sa pool.

Malinaw naman daw sa patakaran ng resort na kahit may lifeguard ay responsibilidad ng magulang o nakatatanda ang pagbantay sa mga kasamang bata.

Nagkasundo na lang pamilya ng biktima at may-ari ng resort  na nangakong tutulong sa pagpapalibing sa biktima. -- FRJ, GMA News

Tags: drowning