ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga nasabat na bloke-blokeng cocaine sa Davao City, sinunog na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng lokal na pamahalaan ng Davao city ang mga bloke ng cocaine na nasabat nila sa lungsod.

Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon," sinabing ang 62 bloke ng cocaine na sinunog ay ang mga nakuha sa isang container yard sa barangay Sasa nitong Marso.



Kasama rin sa mga sinunog ang 16 pang bloke na nasabat naman sa Sasa wharf noong 2009.

Nasa halos P508 milyong umano ang tinatayang halaga ng mga sinunog na cocaine.

Ayon sa mga awtoridad, sinunog nila ang mga droga para hindi mapunta sa kamay ng masasamang loob. -- FRJ, GMA News