ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Guro, pinasok ng assassin sa paaralan, patay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patay ang isang guro matapos siyang pagbabarilan ng hindi nakilalang suspek na pumasok sa isang paaralan sa Lagonoy, Camarines Sur.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Huwebes, kinilala ang nasawi na si Edwin Roque, 39-anyos, guro sa Himagtocon Elementary School.
Ayon sa pulisya, pinasok ng suspek ang biktima sa faculty room ng paaralan at doon siya pinagbabaril.
Nagawa pang makatakbo palabas ng kuwarto ang guro pero mayroon pang suspek na nakaabang at pinagbabaril din siya hanggang sa mapatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo at mga nasa likod ng krimen. -- FRJ, GMA News
Tags: bicolcrime, assassination
More Videos
Most Popular