ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
3 batang magkakapatid, patay nang nasunog ang kanilang bahay sa Negros Occ.
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tatlong batang magkakapatid ang nasawi nang makulong sa nasunog nilang bahay sa Cadiz City, Negros Occidental.
Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabi ng mga bumbero natutulog ang mga bata nang mangyari ang insidente.
Wala raw ang mga magulang ng magkakapatid dahil maaga silang umalis ng bahay para mangisda.
Ang napabayaang sinaing ang hinihinalang pinagmulan ng sunog.
Hindi naman daw kaagad nakaresponde ang mga bumbero dahil malayo sa sentro ng bayan ang bahay ng mga biktima.
Napaglaman din na walang kapitbahay ang mag-anak na maaaring sumaklolo sa mga biktima. -- FRJ, GMA News
Tags: fireincident
More Videos
Most Popular