ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Negosyanteng si Richard King, inilibing na sa Cebu City; P1.3-M, pabuya sa ikalulutas ng krimen


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inilibing na nitong Martes ng umaga sa Cebu City ang pinaslang na negosyanteng si Richard King. Samantala, naglabas na ang Davao City police ng computerized artist's sketch sa lalaking pinaniniwalang pumaslang sa biktima.

Sa ulat ni Randy Gullon ng GMA-Cebu sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Miyerkules, sinabing dumagsa ang mga nakiramay sa pamilya ni King, may-ari ng ilang hotel.

Binaril at pinaslang si King ng isang suspek sa loob ng pag-aari niyang establisimyento sa Davao City nitong Huwebes ng gabi.



Hustisya ang panawagan ng mga nakidalamhati sa pamilya ni King sa huling burol nito na dinaluhan ng mga kaanak, kaibigan, at empleyado.

Sa huling gabi ng burol ni King, isinagawa ang tradisyon ng mga Chinese sa mga mahal nila sa buhay na pumanaw. Ipina-fen shui rin ang pinaglibingan sa negosyante sa Cebu Memorial Park para maalis umano ang "bad vibes" na idinulot ng trahediya.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga awtoridad sa suspek. Naglaan din ang lokal na pamahalaan ng Davao city at pamilya ni King ng P1.3 milyon sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para malutas ang kaso.

Naglabas na rin ang Davao city police ng computerized artist's sketch ng suspek. -- FRJ, GMA News