ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
11 bayan sa Maguindanao, binabaha matapos ang ilang araw na pag-ulan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos ang ilang araw na walang-patid na ulan, 11 bayan sa probinsya ng Maguindanao ang binaha, ayon kay Atty. Laisa Alamia, hepe ng Autonomous Region in Muslim Mindanao-Humanitarian Emergency Action and Response Team (ARMM-HEART).
Kabilang sa mga bayan na binaha ay ang:
Datu Salibo
Shariff Saydona
Datu Piang
Datu Abdullah Sangki
Sultan sa Barongis
Mamasapano
Ampatuan
Pagalungan
Datu Montawal
Mamasapano
Rajah Buayan
Shariff Saydona
Datu Piang
Datu Abdullah Sangki
Sultan sa Barongis
Mamasapano
Ampatuan
Pagalungan
Datu Montawal
Mamasapano
Rajah Buayan
Ayon kay Alamia, daan-daang residente na ang nagsilikas, ngunit bineberipika pa ng mga opisyal ang eksaktong bilang ng mga pamilyang naapektuhan.
Karamihan sa mga apektado ng baha ay naninirahan sa ngayon sa kanilang mga kamag-anak, ayon sa pagsisiyasat ng ARMM-HEART.
Binaha ang ilang mga baranggay sa Ampatuan noong Martes dahil sa pag-apaw ng dike doon, ayon naman kay Inspector Ronald de Leon, hepe ng pulisiya.
“The people from Matagabong, Kakal, Matalimon, Kapinpilan, Pinagayao and Kauran have alerted us of the raging water from the irrigation canal. We were closely monitoring the situation for possible evacuation,” saad ni de Leon.
Dagdag niya, "Last (Wednesday) morning the situation normalized and there was no displacement."
Sa mga bayan ng Dasawao at Pagatin sa Shariff Saydona, ilang dosenang pamilya ang nilikas sa isang mosque at mga kamag-anak na naninirahan sa mas mataas na lugar, ayon sa lokal na disaster management unit.
Noong nakaraang linggo pa walang pasok sa Pagatin Elementary School dahil sa hanggang-baywang na tubig-baha, ayon kay Abdulbasit Kulod, hepe ng Pagatin police.
Ayon sa kanya, “Actually 90 percent sa mga lugar sa Datu Salibo ay affected, eh. Lalo na kapag sige-sige ang ulan sa Sultan Kudarat province, dito napupunta ang mga tubig."
Dahil sa baha, mas lalong nahihirapang pumasok ang mga estudyante ng high school na labas-pasok sa mga interior baranggays, ayon kay kagawad Teng Gumama.
Nahihirapan din umano ang mga estudyante ng high school na labas-pasok ng mga baranggay na nasaskupan ng bayan.
“Mas magastos ngayon sa mga estudyante sa loob dahil doble-doble ang pamasahe. Sasakay sila ng bangka tapos pagtawid ay sasakay ng pedicab at sasakay na naman ng jeep bago makarating sa school,” sabi ni Gumama.
Sa bayan ng Kabuntalan, binenta na ni Noraida Taha ang kanyang mga natitirang mga alagang manok sa takot na sila'y magkasakit dahil sa tubig-baha.
Kwento ni Jerry Dados, nahihirapan silang mga residente ng Kabuntalan na makahanap ng ligtas na maiinom na tubig.
“We used to get drinking water from pump jets nearby but that source now is flooded. We are forced to buy (water) now at P10 pesos per gallon,” ayon kay Dados.
Inalerto naman ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu ang kanyang mga tauhan dahil sa posibleng paglala ng sitwasyon sa probinsiya.
“We are closely coordinating with LGUs and local police on the rising water volume from Liguasan Marsh and the rivers," saad ni Mangudadatu.
Pero ayon kay Lynette Espardante ng provincial health team, katamtaman pa ang sitwasyon.
Inalerto rin ni Mayor Japal Guiani sa Cotabato City ang city disaster coordinating council at mga barangay captain sa posibleng pagbara ng mga ilog dahil sa "water hyacinths." — Rie Takumi /LBG, GMA News
More Videos
Most Popular