ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Paano nagsimula ang Pasyon?


Sinasabing nagsimula sa “laro" ang tradisyon na pabasa ng Pasyon ng mga Filipino tuwing Semana Santa o Mahal na Araw bilang paggunita sa pagsasakripisyo ni Kristo Hesus. Ang pasyon ay ang salitang-sagutan ng tagabasa tungkol sa kabanata ng buhay ni Hesus kaugnay sa kanyang paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay na nakasulat sa patulang-salaysay. Ilang mga nakatatanda umano mula sa mga lalawigan sa Katagalugan gaya ng Laguna, Rizal, Batangas, Cavite, Quezon at iba ang nagsimula ng larong “tawagan" bago pa man magsimula ang himagsikan ng mga Filipino laban sa Kastila. Tulad ng pasyon, ang mga kasali sa “tawagan" ay nagsasalitan ng kanilang sagot mula sa isinulat na tula ni Marinao Pilapil noong 1884 na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin sa mga pabasa sa Pasyon.-GMANews.TV

Tags: pinoytrivia